top of page

SHAKE, RATTLE & ROLL 12: Punerarya (2010)

Regal Films
AVAILABLE on DVD in local video stores. 
Carla, swak na swak sa ‘Punerarya’

Allan Diones

 

BAGONG TAON na, pero local movies pa rin ang palabas sa mga first-run na sinehan (maliban sa IMAX theatres) dahil hanggang Enero 7 (Biyernes) pa ang Metro Manila Film Festival.Tradisyon na sa MMFF ang Shake, Rattle & Roll movie franchise. Nasa ika-12 yugto na ang nasabing horror trilogy ng Regal Entertainment.

 

Punerarya’ ang ikatlong episode na dinirek ng indie filmmaker na si ­Jerrold Tarog.Pumasok bilang tutor ang grade school teacher na si Dianne (Carla Abellana) sa dalawang anak ni Carlo (Sid Lucero) na may-ari ng isang punerarya. Hindi komportable si Dianne sa bahay nina Carlo na nasa likod ng punerarya. Sa tatlong episodes ng SRRXII ay ito ang pina­kagusto namin. Paborito namin ang direktor nitong si Jerrold Tarog, na pina­hanga kami sa dinirehe niyang indie films na Confessional (2007) at Ma­ngatyanan (2009).

 

Matino ang ‘Punerarya’ at type namin ang pagka-horror nito, na hindi OA sa pananakot pero malakas ang dating at alam mong pinag-isipan. Maganda ‘yung build-up ng kuwento na unti-unting nari-reveal ang tunay na katauhan ng pa­milyang nagmamay-ari ng punerarya.

 

As usual ay ang tindi ng screen presence dito ni Sid Lucero, na kahit ano yatang klaseng role ang ibigay mo ay magagampanan niya nang buong husay. Ang galing ng dalawang bata na gumanap na anak ni Sid -- sina Anna Vicente at Nash Aguas. Maging ang mga suportang artista rito ay magagaling, lalo na si Odette Khan na sa itsura pa lang at pananalita ay ang lakas ng maka­panakot. Kung si Gina Pareño ay naging caricature ang dating sa Dalaw dahil sa pilit na pagko-co­medy, dito ay nangangabog ang effortless ­acting ni Odette.

 

Swak na swak kay Carla ang role niya bilang guro na nasadlak sa mundo ng mga aswang. Magaling si Carla at makikisimpatya ka sa kanya. Na-handle siyang mabuti ng direktor kaya lumabas na convincing ang kanyang performance at malayo sa teleserye acting na nakasanayan niya sa telebisyon.Agaw-eksena sa episode na ito ay ang child actor na si Nash Aguas, na ang cute-cute at very lovable, ‘yun pala ay may bonggang lihim. Consistent na kapuri-puri ang trabaho ni Direk Jerrold at natuwa kami sa resulta ng unang sabak niya sa mainstream cinema. If only for this episode ay worth it panoorin ang Shake, Rattle & Roll XII!

 

(source)

bottom of page